今週の動画

JOB HUNTING EXPENSES, ISU-SUBSIDIZE NG GOBYERNO

Plano gobyerno na sagutin ang 50% ng mga gastos sa transportasyon sa paghahanap ng trabaho para sa mga graduating students sa Tokyo sa dadating na 2024. Bukod dito, ang mga estudyanteng nakikinabang sa subsidy na ito ay makakatanggap ng allowance para sa mga gastusin kung pipiliin nilang lumipat sa mga rural na lugar para sa trabaho.

Ayon sa Yahoo Japan, ang programang ito ay para sa mga undergraduate na naka-enrol sa isang unibersidad na nakabase sa Tokyo na hindi bababa sa apat na taon.

Simula Hunyo sa susunod na taon, sasagutin ng gobyerno ang kalahati ng mga gastos sa transportasyon para sa mga interview sa mga lokal na kumpanya. Hinihiyakat din ng programang ito na ma-decentralize ang Tokyo bilang pangunahing lugar ng trabaho.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!