MINATO WARD, MAMIGAY NG 50,000 YEN WORTH OF GIFT CERTIFICATES BAWAT BATA SIMULA ABRIL NG 2024
Bilang tulong sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin, plano ng Minato Ward na ipamahagi ang 50,000 yen na gift certificate sa lahat ng bata sa minato area.
Mula sa ulat ng Yahoo news, ito ay kukuhain mula sa supplementary budget ng ward na naglalayong tulungan ang mga residente at negosyong nahihirapang makabangon dahil sa mataas na presyo ng bilihin. Ito ay naaprubahan kamakailan sa sesyon ng plenaryo noong ika-8.
Tinitiyak ng desisyong ito na ang bawat bata na humigit-kumulang 45,000 mula sa mga sanggol hanggang sa high school ay makakatanggap ng electronic gift certificate.
Ang mga kwalipikadong indibidwal ay makakatanggap ng mga detalye sa Pebrero, at ang mga gift certificate ay maaaring gamitin mula Abril hanggang katapusan ng Hulyo. Bukod pa rito, simula sa kalagitnaan ng Pebrero sa susunod na taon, ang ward ay magbibigay ng 70,000 yen para sa mga resident tax exempt na pamilya.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan