DESIGN NG PERA SA JAPAN BABAGUHIN MATAPOS ANG 20 TAON
Noong ika-12, inihayag ng Bank of Japan ang pagpapalabas ng mga bagong banknote na naka-iskedyul para sa Hulyo 3 sa susunod na taon. Ang desisyong ito ay naglalayong iwasang sabayan ang “busy season” para sa institusyong pampinansyal na humahawak sa pag-issue ng bagong pera.
Mula sa ulat ng Yahoo news, ito ang unang pagbabago sa disenyo sa loob ng dalawang dekada. Ang bagong 10,000 yen bill na ilalabas ay maglalaman ng mukha ni Eiichi Shibusawa na kilala bilang “Father of Japanese capitalism”, ang 5,000 yen na bill ay maglalaman ng mukha ni Umeko Tsuda, founder ng Tsuda University at kauna-unahang babaeng exchange student ng Japan at si Shibasaburo Kitasato, isang physician at bacteriologist naman para sa 1,000 yen. Lahat ay sinamahan ng pinahusay na mga hakbang laban sa pekeng pamemeke.
Isinasagawa na ang pagsasaayos para sa mga ATM at mga kaugnay na pasilidad para sa bagong perang lalabas sa susunod na taon.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2025/01/06Ang iconic na Ferris wheel ng Yomiuriland ay titigil sa operasyon sa susunod na linggo, na magtatapos sa 44 na taong kasaysayan nito dahil sa kalumaan
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”