今週の動画

JAPAN PANGATLO SA PWESTO SA GLOBAL TEST (READING) PARA SA MGA 15 ANYOS

Ang mga Japanese high school students sa Japan ay nagtala ng remarkable na score sa global aptitude test. Naabot ng Japan ang ikatlong pwesto mula sa ika-labinlimang pwesto para sa reading comprehension, ikalawa naman sa Science at ika-lima naman sa Math exam.

Mula sa ulat ng Asahin Shimbun, ayon Organization for Economic Cooperation and Development (OECD) na nagsagawa ng exam, maaaring isa sa mga factor sa pagtaas ng ranking ng Japan ay ang maiksing pagsasara ng mga paaralan dahil sa pandemic.

Ayon sa survey, sinuri ang kakayahan ng mga 15 year old sa kanilang ability sa reading, math at science. Malaki ang naitala ng Japan na pag-angat sa reading at science at mas konti ang estudyanteng may mababang score. Hindi naman masyado malaki ang kaibahan ng score sa math.

Ang bansang Singapore ang nanguna sa kabuuang kategorya samantalang ang China at Russia ay hindi lumahok sa ginanap na exam.

 

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!