今週の動画

28 MILYON KATAO ANG INAASAHANG MAGLALAKBAY NGAYONG NEW YEAR HOLIDAY

Ika-5 ng Disyembre, inanunsyo ng JTB na maaring umabot ng 28 milyon katao ang bilang ng mga domestic traveler para sa new year’s holiday ngayong taon. Ito ay may pagtaas ng 3.7 percent o 1 milyong tao kumpara sa nakaraang taon. Inaasahan na makakabawi na ang ekonomiya at babalik na ito sa pre-pandemic level.

Ayon sa Kyodo news, ang average na gastos ng bawat manlalakbay ay 41,000 yen na tumaas ng 4,000 yen. Ito ang pinakamataas na halaga mula noong huling bahagi ng 1996, dahil ang mga gastos na nauugnay sa paglalakbay ay inaasahang tataas dahil sa pagtaas ng mga presyo at dahil na rin sa kakulangan ng manggagawa.

Ang bilang ng mga bumibayahe sa ibang bansa ay umabot ng 580,000 na nagtala ng 2.6 bilang ng pagtaas subalit ito ay 70% lamang kung ikukumpara sa datos noong pre-pandemic. Bagama’t tataas ang bilang ng mga naka-iskedyul na internasyonal na flight, inaasahang matumal ang pag-angat dahil sa mas mahinang yen at tumataas na singil sa gasolina sa mga internasyonal na flight.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!