今週の動画

OCCUPANCY RATE NG MGA HOTEL SA KYOTO UMABOT SA 83% NOONG OKTUBRE

Inanunsyo ng Kyoto City Tourism Association (DMO KYOTO) na ang room occupancy rate ng 110 hotels sa siyudad noong Oktubre ay umabot ng 82.9%. Mas tumaas pa ito kumpara noong Nobyembre ng nakaraang taon na umabot sa 80.2%. Ito ang pinakamataas na naitala matapos magbukas ulit ang Japan matapos ang pandemic.

Ayon sa Travel voice news, ang kabuuang hotel stay ng mga Japanese ay tumaas din ng 9.3% kumpara noong nakaraang buwan na nagtala ng 385,730 nights. Subalit kung ikukumpara ito sa rekord noong nakaraang taon sa parehong buwan, bumaba ito ng 26.6%.

Ang overnight stay naman ng mga foreigners ay tumaas ng 31.8% na may total na 500,392 nights. Ito ay nagtala ng 551% kumpara sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.

Kung titingnan ang ratio ng komposisyon ayon sa bansa/rehiyon, ang Estados Unidos ay may pinakamataas na rate na 19.0%, sumunod ang China (13.9%) at Taiwan (9.1%).

 

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!