UBER TAXI NAGSIMULA NA SA BUONG KITA-KU AT ITABASHI-KU, TOKYO
Inanunsyo ng Uber Japan na magsisimula itong magbigay ng mga serbisyo ng Uber Taxi sa buong Kita at Itabashi ward sa Tokyo mula Disyembre 1.
Sa paglulunsad ng serbisyong ito, magiging available ang Uber Taxi sa 22 ward ng Tokyo, hindi kasama ang Nerima. Mapapadali din nito ang pagpunta at paglabas mula sa mga tourist spot sa Kita at Itabashi ward, tulad ng Old Koga Garden, Oji Inari Shrine, Tropical Environmental Botanical Garden, at Jorenji Temple (Tokyo Great Buddha), na nag-aambag sa turismo ayon sa ulat ng Travel Vision News.
Higit pa rito, ang Uber app na ginagamit sa mahigit 70 bansa, ay nagbibigay ng support gamit ang 50 languages sa buong mundo at magagamit ng mga user ang app nang hindi binabago ang kanilang language setting.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan