今週の動画

AVERAGE NG WINTER BONUS SA FUKUSHIMA TUMAAS SA IKATLONG SUNOD NA TAON

Ayon sa Toho Regional Research Institute, ang average ng winter bonus ng bawat empleyado sa mga pribadong kumpanya sa Fukushima Prefecture ay nasa 375,592 yen na tumaas ng 1.3% kumpara noong 2022. Ito ay inaasahang muling tataas para sa ikatlong sunod na taon.

Mula sa ulat ng Yahoo news, ang pagtaas ng bonus ay tugon sa pagtaas ng mga presyo ng bilihin sa Japan at upang matulungan ang mga regular na empleyado sa kanilang pang araw-araw na pangangailangan.

Sa kabilang banda, ang suweldo para sa mga tanggapan ng gobyerno ay 853,893 yen na inaasahang tataas sa ikalawang magkasunod na taon. Ang winter bonus ay matatanggap ngayong ika-5 ng Disyembre para walong lungsod kasama ang Fukushima at Koriyama at sa ika-8 naman ang ibang municipalities kasama ang Fukushima prefecture.

 

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!