今週の動画

ANG INDIA AT JAPAN ANG NANGUNGUNANG DESTINASYON SA APAC REGION SA IKAAPAT NA QUARTER

Sa Timog Asya, ang India ay namumukod-tanging pinakamatatag na destinasyon na may 1% na pagbaba lamang sa mga turistang bumisita kumpara noong 2019. Ito ay inaasahang babalik na sa dating level ngayong ika-apat na quarter ng 2023 batay sa mga booking ng hotel at benta ng ticket ng eroplano.

Ang Japan, sa kabila ng pagbaba ng 11% kumpara noong 2019, ay papalapit na sa mga antas ng pre-pandemic. Naging matagumpay ito sa pag-akit ng mga manlalakbay mula sa iba’t ibang bansa na malalapit sa Japan (tulad ng South Korea, Singapore, at Australia) at long-haul na flights (tulad ng United States, Canada, Germany, at France) na bahagyang umangat dahil sa paborableng yen exchange rate sa ngayon.

Ayon sa Yamato Dokoro, ang mas malawak na rehiyon ng Northeast Asia, kabilang ang Japan, ay nakakita ng pag-angat sa tourism levels na nagpapahiwatig ng magandang pagbawi sa area ng turismo.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!