RANKING NG MGA MUNICIPALITY SA JAPAN KUNG SAAN TUMAAS ANG BILANG NG MGA BISITA PAGKATAPOS NG CORONAVIRUS
Iniulat ng Navitime Japan ang mga munisipalidad na nakapagtala ng pag-angat sa rekord ng mga bisita kumpara noong 2019.
Nanguna sa listahan ang Minamiise Town, Mie Prefecture na nagpasimula ng farming ng Ise Tuna noong 2011. Ang Ise Shima Tuna Restaurant, na inilunsad noong panahon ng pandemya ay nakakaakit ng mga dayuhang turista. Ang isang guest house na pinamamahalaan ng isang isang mahusay na mangingisda ay nag-aalok ng fishing experience na umaakit ng mga turista mula sa Europe, America, at Australia.
Ang Bayan ng Takahata, Yamagata Prefecture, ay nakakuha ng pangalawang puwesto. Dumami ang mga turista mula sa Taiwan sa Takahata Winery, isang gold medalist sa isang prestihiyosong kompetisyon ng alak.
Ipinagmamalaki ng Tambayama Village, Yamanashi Prefecture na nasa ika-anim na pwesto, ang nangungunang roller slide ng Japan, na umaakit ng atensyon sa pamamagitan ng mga online na video. Ang katabing Kosuge Village na nasa ika-pitong pwesto ay nag-aalok ng mga atraksyon tulad ng Tama River at mga lokal na brewery na nagsusulong ng pagtaas ng turismo.
Nishimeya Village, Aomori Prefecture naman ay nasa ika-walong pwesto dahil sa pagdagsa ng nga turista galing Taiwan.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2025/01/06Ang iconic na Ferris wheel ng Yomiuriland ay titigil sa operasyon sa susunod na linggo, na magtatapos sa 44 na taong kasaysayan nito dahil sa kalumaan
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”