KEISEI-TOKYO SUBWAY TICKET MAAARI NG MABILI MULA SA WECHAT APP
Ang WeChat, sa pakikipagtulungan sa Keisei Electric Railway, Tokyo Metro, Tokyo Metropolitan Bureau of Transportation at Linktivity ay magpapakilala ng serbisyo sa ticketing gamit ang WeChat Mini Program para sa mga turistang Chinese sa Japan. Saklaw ng serbisyo ang pagbili ng Keisei Skyliner at limited express ticket kasama ang Tokyo Subway Ticket para sa unlimited rides sa subway.
Mula sa ulat ng Yahoo News, maaaring gamitin ng mga turistang Chinese ang mini program na “Tabinichi” sa WeChat para bumili ng mga tiket ng “Skyliner Coupon” at “Tokyo Subway Ticket (24/48/72hours)” nang maaga. Ang mga tiket na ito ay maaaring palitan sa pamamagitan ng pag-scan sa QR code sa mga vending machine sa mga applicable na istasyon ng tren.
Sa paglunsad ng programang ito, inaasahan na malilimitahan na ang problema naidudulot ng language barrier at magkakaroon ng mas pulidong proseso.
Inilunsad ng Keisei Electric Railway ang “Keisei GRAB & GO,” isang online na platform ng direktang pagbebenta para sa mga dayuhang turista. Pinapasimple ng platform na ito ang proseso ng pagbili ng tiket, na nag-aalok ng access sa pamamagitan ng WeChat, mga computer, at mga smartphone.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan