SKI SEASON SA GIFU, NAGSIMULA NA
Nagsimula na ang ski season sa Gifu nitong Nobyembre 18 ng opisyal ng buksan na ng White Pia Takasu ang kanilang ski resort para sa mga turista at lokal na residente.
Ang slope, na inihanda gamit ang artipisyal na niyebe na ginawa sa pamamagitan ng pag-spray ng shaved ice mula noong Oktubre 10, ay humigit-kumulang 10 metro ang lapad at bumababa nang humigit-kumulang 1 kilometro. Pinalawak din ang lugar sa paggamit ng ibang uri ng mga snowmaking machine.
Mula sa ulat ng Asahi Shimbun, ito ang unang ski field na nagbukas ngayong season sa kanluran ng Gifu Prefecture.
“Umaasa kami na maraming bisita ang darating at magpapasigla sa panahon ng ski,” sabi ng manager ng ski resort. Magbubukas ang resort hanggang Marso 31.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan