今週の動画

JR KYUSHU NAG-FILE NG COMPLAINT LABAN SA YOUTUBER

Mula sa ulat ng Sankei News, nagsampa ng reklamo ang JR Kyushu sa Fukuoka Prefectural Police Hakata Police Station matapos mag-post ang isang foreign YouTuber ng video sa YouTube na pinamagatang “I traveled all over Japan for free” na tila nagpapakita sa kanya na sumakay sa Shinkansen at limitadong mga express train ng hindi nagbabayad.

Ang video ay inilabas noong Oktubre 21 ng taga-Cyprus na YouTuber na si Fidias. Si Fidias, kasama ang tatlo pa nyang kaibigan ay gumawa ng kumpetisyon kung saan tatangkain nila mag-travel mula sa Nagasaki hanggang Aomori ng libre.

Sumakay siya sa Nishi-Kyushu Shinkansen mula sa Isahaya station at nagkukulong sa palikuran ng tren. Nang hilingin sa kanya ng flight attendant na ipakita ang kanyang tiket, nagreklamo siya na masama ang pakiramdam at sinamantala niya ang pagkakataong tumakas.

Pinaniniwalaan na siya ay nakapasok sa manned ticket gate at sumakay sa tren sa pamamagitan ng Shin-Tosu Station (Tosu City, Saga Prefecture) patungong Okayama Station.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

\ 最新情報をチェック /