今週の動画

BAGONG ISLA SA JAPAN UMUSBONG MATAPOS ANG VOLCANIC ERUPTION

Ang mga pagsabog mula sa isang bulkan sa ilalim ng dagat ay tila lumikha ng isang maliit na isla sa Ogasawara island na higit sa 1,000 kilometro sa timog ng Tokyo sa Pacific Ocean.

Ayon sa ulat ng  Asahi Shimbun, kinumpirma ito ng air base ng Maritime Self-Defense Force sa Iwoto island, na dating kilala bilang Iwojima island.

Ayon sa Japan Meteorological Agency, ang mga pagyanig ng bulkan ay nakita sa isla ng Iwoto mula noong Oktubre 21 na sinusundan ng mga pagsabog sa katimugang baybayin. Ang bagong isla ay nabuo malapit sa bunganga ng bulkan sa ilalim ng dagat.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!