PAGPAPADALI NG RESIDENCY REQUIREMENTS SA MGA DAYUHANG NEGOSYANTE, PAPADALIIN NG JAPAN
Kinukunsidera ng Immigration Services Agency na padaliin ang mga requirements sa pagkuha ng residency status ng mga dayuhang negosyante.
Ayon sa ulat ng Jiji Press, plano ng immigration na payagan ang mga dayuhan na manatili sa Japan ng dalawang taon bilang paghahanda sa pagsisimula ng negosyo kung mayroon silang tiyak na business plans kahit wala
pang kapital at lugar ng negosyo.
Sa kasalukuyan ay kinakailangan na mayroon muna na lugar para sa negosyo ang mga dayuhang negosyante kung nais nilang makakuha ng residency status sa bansa, dalawang full-time na empleyado, at kapital na hindi bababa sa 5 milyong yen.
Dagdag sa ulat na mahirap para sa mga dayuhang negosyante ang mga requirements na ito.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan