SHIBUYA, NAKA-HIGH ALERT BAGO ANG HALLOWEEN
Naka-heightened alert ang mga lokal na opisyal at kapulisan sa Shibuya Ward bago ang unang Halloween sa Japan matapos i-downgrade ang COVID-19 bilang lower-risk infectious disease category.
Matatandaang naging maigting ang panawagan ni Shibuya Mayor Ken Hasebe na huwag pumunta sa lugar para ito ay ipagdiwang, saad sa ulat ng Jiji Press.
Ayon sa alkalde, nasa 60,000 tao ang posibleng magtipun-tipon sa Shibuya para sa Halloween, mas marami kumpara noong pre-pandemic year 2019.
Aniya, maaaring mangyari rin sa Shibuya ang crowd crush na nangyari sa Itaewon, Seoul kung saan daan-daan ang namatay.
Kasalukuyang ipinapatupad sa lugar ang ordinansa na nagbabawal sa pag-inom sa mga kalsada rito hanggang sa Miyerkules.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/01/06Ang iconic na Ferris wheel ng Yomiuriland ay titigil sa operasyon sa susunod na linggo, na magtatapos sa 44 na taong kasaysayan nito dahil sa kalumaan
News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”