今週の動画

KAKULUNGAN SA MANGGAGAWA, NARARANASAN SA NARITA AIRPORT

Nabawasan ng halos 7,000 ang bilang ng mga manggagawa sa mga establisyemento sa Narita Airport, base sa isinagawang survey ng operator ng paliparan noong Pebrero.

Sa ulat ng NHK World-Japan, nasa 36,300 ang mga natirang manggagawa rito, mas mababa ng 16 na porsyento kumpara noong bago ang pandemya.

Mayroong 619 na mga shops, restaurants at iba pang establisyemento sa paliparan hanggang noong Pebrero, mas mababa ng 8 porsyento kumpara noong 2017.

Samantala, inaasahan ng operator na mangangailangan sila ng nasa 70,000 na manggagawa kapag natapos na ang pangatlong runway sa paliparan.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!