今週の動画

JAL, GAGAMIT NG BAGONG EROPLANO

Nakatakdang gumamit ang Japan Airlines ng bagong eroplano para sa international flights nito sa pagtatapos ng taon.

Gagamitin ng JAL ang Airbus A350-1000 sa kanilang Haneda Airport at New York City flights kung saan may 239 na upuan na may apat na kategorya: first class, business class, premium economy class, at economy class.

Isa sa mga features nito ay ang malalaking monitors na compatible sa mga wireless headphones at earphones, saad sa ulat ng The Asahi Shimbun.

Papalitan nito bilang flagship model ng JAL para sa kanilang mga international flights ang B777-300ER ng Boeing sa loob ng limang taon.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!