JAL, MAGTATAAS NG FUEL SURCHARGE COST
Inanunsyo ng Japan Airlines (JAL) ang kanilang hiling na pagtaas ng fuel surcharge sa Ministry of Land, Infrastructure, Transport and Tourism para sa mga tickets sa kanilang international flights na bibilhin ng mga pasahero sa pagitan ng Disyembre 1, 2023 at Enero 31, 2024.
Sa ulat ng Japan Today, nakasaad na itinatakda ng JAL ang kanilang fuel surcharge levels kada dalawang buwan base sa presyo ng Singapore kerosene type jet fuel.
Mula 11,000 yen hanggang Nobyembre 30 ay magiging 17,800 yen na ang fuel surcharge cost sa mga tickets mula Japan patungong Pilipinas mula sa darating na Disyembre 1 hanggang Enero 31 ng susunod na taon.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan