今週の動画

ENTRANCE EXAM SUBSIDIES, IAALOK SA MGA ESTUDYANTE MULA LOW-INCOME HOUSEHOLDS

Ilulunsad ng Japan ang isang subsidy program para tulungan ang mga kabataang mag-aaral mula sa mga low-income households.

Iaalok ng Children and Families Agency sa mga single-parent households na tumatanggap ng child-care benefits, at low-income families na exempted sa pagbabayad ng residential taxes ang subsidies para sa entrance exam fees ng mga kabataan na nasa high school.

Ayon sa ulat ng NHK World-Japan, makakatanggap ang mga high school seniors ng nasa 50,000 yen para sa kanilang university entrance exam fees. Maglalaan din para sa mga seniors at third-year junior high school students na magmo-mock exams.

Inaasahan na ibibigay ito simula Abril 2024, ang simula ng susunod na fiscal year.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!