今週の動画

45 PORSYENTO NG MGA NAGTATRABAHO SA JAPAN, KULANG SA TULOG – SURVEY

Nasa 45.5 porsyento ng mga taong nagtatrabaho sa Japan ang mayroon lamang bababa sa anim na oras na tulog kada gabi.

Base sa isang government survey, nasa 10 porsyento ng 10,000 respondents ang nakakakuha lamang ng kulang sa limang oras na tulog kada gabi, habang 35.5 porsyento naman ang mayroon lamang lima hanggang anim na oras.

Sa ulat ng Kyodo News, sinabi rin sa survey na ang fatigue ang isa sa mga nakakaapekto sa mental health ng mga empleyado.

Sinabi ng Ministry of Health, Labor and Welfare na kailangan solusyunan ang mahabang oras nang pagtatrabaho para makakuha ng mas mahabang oras ng tulog ang mga empleyado at magkaroon ng healthy mental state.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!