今週の動画

KAKULANGAN SA SUPLAY NG GAMOT SA COVID-19 AT INFLUENZA SA JAPAN, LUMALALA

Tumitindi ang kakulangan sa suplay ng mga generic drugs sa bansa kabilang ang mga gamot sa ubo at painkillers na mas pinalala pa nang kumakalat na novel coronavirus at influenza.

Nasa 80% ng mga gamot sa Japan ay generic drugs na ginagawa ng maraming drugmakers sa iba’t ibang klase sa maliit na bilang, saad sa ulat ng Jiji Press.

Mahigit sa 10 generic drugmakers ang sinuspinde ang operasyon simula 2021 dahil sa problema sa kalidad ng gamot na kanilang ginawa na nagdulot ng kakulangan sa suplay ng generic drugs sa bansa, ayon sa health ministry.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!