CHIBA AT SAITAMA, KABILANG SA MGA LUGAR NA MAY PINAKAMARAMING KASO NG INFLUENZA
Umabot sa advisory level ang dami ng mga kaso ng influenza sa Chiba at Saitama.
Ayon sa ulat ng NHK World-Japan, kabilang ang mga ito sa 17 prepektura kung saan ang influenza outbreak ay lumampas sa advisory level.
Nitong nakaraang linggo ay nagtala ang National Institute of Infectious Diseases ng 54,709 kaso kung saan 20.86% ay mula sa Chiba at habang 19.69% ay mula sa Saitama.
Pinapaalalahan ang publiko na isagawa ang mga pangunahing anti-infection measures tulad nang pagsusuot ng masks sa mga mataong lugar at regular na paghuhugas ng mga kamay.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/01/06Ang iconic na Ferris wheel ng Yomiuriland ay titigil sa operasyon sa susunod na linggo, na magtatapos sa 44 na taong kasaysayan nito dahil sa kalumaan
News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”