¥1.39 TRILYON, NAGASTA NG MGA TURISTA NOONG HULYO-SETYEMBRE
Nagtala ang Japan ng 1.39 trilyong yen mula sa mga nagastos ng mga dayuhang turista na bumisita sa bansa sa pagitan ng Hulyo hanggang Setyembre.
Mas mataas ito ng 17.7 porsyento kumpara sa parehong mga buwan noong pre-pandemic year 2019 ayon sa datos ng Japan Tourism Agency, base sa ulat ng The Asahi Shimbun.
Pinakamalaki ang nagastos ng mga turista mula sa China na nasa 282.7 bilyong yen. Sinundan ito ng mga taga-Taiwan sa 204.6 bilyong yen, at mga taga-South Korea sa 195.5 bilyong yen.
Nasa 210,810 yen naman ang average spending ng isang turista, mas mataas sa 200,000 yen na target ng gobyerno pagsapit ng taong 2025.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan