3 ELEM. STUDENTS SA IBARAKI, HINDI PUMASOK MATAPOS PAGALITAN NG GURO SA PAGGAMIT NG CR
Tatlong mag-aaral ng Takezono Higashi Elementary School sa Tsukuba, Ibaraki-ken ang hindi na pumasok sa eskwela matapos pagalitan ng kanilang guro tungkol sa paggamit ng banyo.
Ayon sa ulat ng The Mainichi Shimbun, sinabihan umano ng babaeng guro ang isang estudyante na huwag pupunta sa banyo nang hindi nagpapaalam sa malakas na boses na naging dahilan din para hindi mag-CR ang iba pa.
Ipinaliwanag ng municipal education board na dahil sa “inappropriate guidance” ay hindi na pumasok sa paaralan ang mga mag-aaral.
Dagdag pa nila na pinalitan na ang guro, habang pumasok na muli sa eskwela ang dalawang bata at ang isa naman ay lumipat ng paaralan.
Sinabi ng punong guro ng paaralan na itinanggi umano ng guro ang iba sa mga paratang habang inamin naman nito na natakot ang mga mag-aaral.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/01/06Ang iconic na Ferris wheel ng Yomiuriland ay titigil sa operasyon sa susunod na linggo, na magtatapos sa 44 na taong kasaysayan nito dahil sa kalumaan
News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”