KAMAKURA, MAS MARAMING TURISTA KADA SQ. KM KESA KYOTO, NARA
Nalampasan ng Kamakura ang Kyoto at Nara sa bilang ng turista kada square kilometer base sa datos ng tourism division ng lungsod noong pre-pandemic year 2019.
Nagtala ang Kamakura na may lawak na 40 sq. km. ng 573,000 turista kada sq. km. Habang ang Kyoto na may lawak na 828 sq. km. ay nagtala ng 69,000 turista kada sq. km., at ang Nara naman na may lawak na 277 sq. km. ay nagtala ng 54,000 bisita kada sq. km.
Ito ay nagpapakita na mas mataas ang density ng turista sa Kamakura ng 8 hanggang 10 beses kumpara sa dalawang lungsod, ayon sa ulat ng The Mainichi Shimbun.
Bukod sa malaking estatwa ng Buddha ay malapit din sa Kamakura ang Tsurugaoka Hachimangu.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan