MAHIGIT KALAHATI NG MGA TAO SA JAPAN, NANINIWALANG LUMALA ANG SITWASYON NG KABUHAYAN SA ILALIM NI KISHIDA – SURVEY
Nasa 60 porsyento ng mga respondents sa survey na isinagawa ng The Mainichi Shimbun kamakailan ang sumagot na lumala ang sitwasyon ng kanilang pamumuhay sa ilalim ng Kishida administration.
Mas bumuti naman ang sagot ng nasa 3 porsyento, habang 36 porsyento ang nagsabi na pareho lamang.
Sa parehong survey, 63 porsyento rin ang tumugon na hindi sila umaasa sa economic stimulus package na bubuuin ng gobyerno ngayong buwan, habang nasa 21 porsyento naman ang umaasa, at 16 porsyento naman ang hindi sigurado.
Ipinag-utos ni Kishida ang pagbuo ng komprehensibong economic stimulus package na may limang haligi kasama ang mga hakbang laban sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan