今週の動画

10-M DAYUHAN, BUMISITA SA JAPAN MULA ENERO-HUNYO

Nakapagtala ang Immigration Services Agency ng 9,862,199 dayuhan na pumasok sa bansa gamit ang short-stay visa sa unang anim na buwan ng taon.

Ito ay katumbas ng 97 porsyento ng 10,154,249 kabuuang bilang ng mga dayuhan na pumasok sa bansa, saad sa ulat ng Jiji Press.

Pinakamarami ang mga dayuhan mula South Korea, na sinundan ng mga taga-Taiwan, at ng mga taga-Amerika.

Samantala, tumaas naman ang bilang ng mga dayuhan na naninirahan sa Japan na nasa 3,223,858 hanggang noong Disyembre 2022 dahil na rin sa pagdami ng mga technical interns o mga manggagawa na may specified skills.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!