今週の動画

MAHIGIT 1,500 KILO NG BAGONG ANI NA BIGAS, NINAKAW SA IBARAKI

Patuloy ang insidente nang nakawan ng bigas sa mga sakahan sa iba’t ibang prepektura sa Japan.

Nasa humigit-kumulang sa 1,590 kilo ng bagong ani na Koshihikari rice ang ninakaw sa dalawang sakahan sa Ibaraki Prefecture ngayong buwan.

Sa ulat ng Kyodo News, sinabi ng mga pulis na unang naganap ang nakawan gabi ng Oktubre 1 kung saan 660 kilo ng bigas na nagkakahalaga ng 143,000 yen ang ninakaw mula sa storage facility sa isang sakahan sa Chikusei City. Habang naganap naman ang pangalawang nakawan noong Oktubre 8 mula sa isa pang sakahan sa parehong lungsod kung saan 930 kilo naman ng bigas na nagkakahalaga ng 210,000 yen ang natangay.

Pinapaalalahanan ng mga pulis ang mga may-ari ng sakahan na maglagay ng security camera sa kanilang mga pasilidad.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!