6 NA HAPON, ARESTADO DAHIL SA SCAM CALLS MULA VIETNAM
Isang grupo ng mga Hapon ang inaresto sa hinalang pag-swindle ng pera sa isang babae sa pamamagitan ng scam phone call mula sa Vietnam.
Inanunsyo ng Osaka Prefectural Police kamakailan na ito ang unang beses na nanghuli ang Japanese police ng isang fraud group na nakabase sa naturang bansa, saad sa ulat ng The Mainichi Shimbun.
Nagpanggap sina Masatomo Inoue, 52, at limang iba pa bilang department store staff nang tawagan ang isang babae edad 70 pataas sa kanyang bahay sa Yokohama para sabihin na hindi nagamit nang tama ang credit card nito. Pinuntahan ng kasabwat ng mga suspek ang bahay ng babae at kinuha ang tatlong cards nito at nag-withdraw ng aabot sa 2.6 milyong yen mula sa ATM.
Lima sa mga suspek ang umamin sa krimen.
この記事を書いた人

最新の投稿
News(Tagalog)2025/01/06Ang iconic na Ferris wheel ng Yomiuriland ay titigil sa operasyon sa susunod na linggo, na magtatapos sa 44 na taong kasaysayan nito dahil sa kalumaan
News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”