GAMIT NA MANHOLE COVERS, IBEBENTA NG KYOTO
Ibebenta ng municipal government ng Kyoto ang tatlong gamit na iron maintenance hole lids sa publiko sa halagang 5,500 yen bawat isa.
Ayon sa ulat ng The Mainichi Shimbun, tatlong uri ng covers ang ibebenta na ginawa noong 1978, 1981 at 1990.
Bawat isa ay may sukat na 66 sentimetro at bigat na 80 hanggang 90 na kilo. May mga kalawang at gasgas na ang mga ito dahil sa mahigit 30 taon na paggamit.
Mayroong humigit-kumulang sa 160,000 maintenance holes sa lungsod.
Tatanggap ng aplikasyon mula sa mga interesadong bumili ng mga ito sa pamamagitan ng email at postal mail hanggang Oktubre 13. Maaaring tumawag sa 075-672-7710 (in Japanese) para sa mga katanungan.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan