今週の動画

MGA PUNO NA NAGDUDULOT NG KAFUNSHO, PUPUTULIN SA TOKYO, OSAKA

Tutugunan na ng gobyerno ng Japan ang problema sa hay fever o kafunsho sa bansa sa pamamagitan nang pagputol sa mga puno ng cedar at cypress sa mga pangunahing lungsod kabilang ang Tokyo at Osaka.

Tinatayang nasa 70,000 ektarya ng mga cedar at cypress forest ang aalisin taun-taon sa susunod na 10 taon, at papalitan ng ibang uri na naglalabas ng mas kaunting pollen, saad sa ulat ng Kyodo News.

Maraming puno ng cedar ang tinanim matapos ang World War II bilang bahagi ng reforestation efforts ng bansa.

Tinatayang nasa mahigit 40 porsyento ng populasyon ang naaapektuhan ng kafunsho kung saan ilan sa mga sintomas ay runny nose at makating mata, base sa survey ng environment ministry.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!