GLAMPING – THE NEW CAMPING
Ang Glamping ay nagmula sa salitang glamour at camping na pinagsama ay isa sa popular na aktibidad ngayong tag-lagas.
Ito ay nagbibigay ng bagong kahulugan sa nakasanayan nating camping. Ang traditional na camping ay ang pag-akyat sa bundok na may dalang tent at mga pagkaing madaling lutuin at kainin habang ikaw ay nageenjoy at napapaligiran ng kalikasan. Sinasabayan pa ito ng bonfire at mga larong nakakalibang o kantahan. Ito ay isang uri ng libangan na malayo sa magulong lugar ng siyudad at internet.
Ang glamping naman ay ang kombinasyon ng tradisyunal na camping at mga bagong bagay na mas makakagaan sa mga magcacamping. Isa sa mga kaibahan ng glamping at camping ay ang tent. Karaniwan, sa glamping, ang lugar na pupuntahan ay may mga tent na rerentahan na lamang. Hindi na kailangan magdala at umubos ng madaming oras para lamang buuin ito. Ang higaan sa normal na camping ay karaniwang sleeping bag lamang samantalang sa glamping ay mga kama na pwedeng higaan para sa mas matiwasay at kumportable na tulog.
Sa Japan maraming glamping sites na pwedeng rentahan ovenight para sa kakaibang outdoor experience na wala masyadong hassle. Sa mga lugar na ito, pwede na rin umorder ng pagkain katulad ng mga karne na pwedeng ibarbeque at may mga available na lugar para sa toilet. Mas paborable ito lalo na sa mga babae.
Isa sa mga malalapit na glamping sites sa Tokyo ay ang COMORIVER sa Saitama (price starts at 9,800jpy per person) at BAMBOO FOREST sa Ichihara, Chiba kung saan ang mga bisita ay pwedeng makipag interact sa mga hayop (glamping with zoo). Price starts at 29,000 per person naman sa camping site na ito.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/11/15Isinasaalang-alang ang 30,000 yen para sa mga sambahayan na hindi napapailalim sa resident tax, 20,000 yen bawat bata, ngunit mataas na presyo
- News(Tagalog)2024/11/12Democratic Party for the People na magdaos ng unang tatlong-partidong pag-uusap sa LDP at Komeito sa mga hakbang sa ekonomiya… Ginagawa ni Tamaki ang “1.03 milyong yen na hadlang” na isyu bilang pangunahing prayoridad, humihiling din ng karagdagang suporta para sa pagtaas ng sahod
- News(Tagalog)2024/11/11Isinasaalang-alang ng gobyerno na ipagpatuloy ang mga subsidies sa kuryente at gas sa lalong madaling panahon, na hinuhusgahan na ang patuloy na mga subsidies ay mahalaga upang suportahan ang pananalapi ng sambahayan.
- News(Tagalog)2024/11/08Insurance sa pensiyon ng mga empleyado, mga part-time na manggagawa anuman ang taunang kita na sasalihan; “1.06 million yen barrier” ay aalisin, ngunit ang mga pasanin ay maaaring tumaas.