今週の動画

MGA SENTO SA TOKYO, PAUNTI NANG PAUNTI

Pabawas nang pabawas ang bilang ng mga public bathhouses o sento sa Tokyo dahil sa pagtanda ng mga pasilidad pati na rin ng mga may-ari nito.

Ayon sa Tokyo Metropolitan Government, nasa 462 na lamang ang sento na nag-o-operate sa bansa (as of Dec 2022), halos kalahati ng bilang ng mga ito 15 taon na ang nakakalipas, sa ulat ng The Asahi Shimbun.

Bumaba rin ang bilang ng mga gumagamit nito mula sa 33.81 milyon noong 2008 sa 20.02 milyon noong 2022.

Samantala, dumarami naman ang gumagamit ng mga sento na may mga saunas dahil sa mga amenities na tulad nito.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!