PAGMAMANEHO NG BUS, IDADAGDAG NG JAPAN SA SPECIFIED FOREIGN WORKER SKILLS
Upang matugunan ang kakulangan ng mga drayber ay nakikipagtulungan ang transport ministry ng bansa sa mga ibang ahensya ng pamahalaan para idagdag ang pagmamaneho ng mga bus sa mga uri ng specified skills para sa foreign worker program.
Sa ulat ng Jiji Press, kinukunsidera rin ng ahensya ang pagmamaneho ng mga taxi at trak na mapabilang sa programa kung saan pwedeng mabigyan ng long-term residency ang mga dayuhan na nagtatrabaho.
Layon ng gobyerno na rebisahin ang mga panuntunan sa programa sa pagtatapos ng kasalukuyang fiscal year sa Marso ng susunod na taon.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan