PAGLALAKAD SA ESCALATOR, PINAGBABAWAL NA SA NAGOYA
Simula Oktubre 1 ay naging epektibo na ang lokal na ordinansa sa Nagoya na nagbabawal sa mga tao na maglakad sa escalator.
Sa ulat ng The Mainichi Shimbun, pinagbabawal ang paglalakad sa kanang bahagi ng escalator kung saan nakasanayan na ng mga tao na maglakad. Ito ay dahil sa mga aksidente at reklamo kaugnay nito.
Ito na ang pangalawang beses na nagpatupad ng ganitong uri ng ordinansa ang isang lugar sa Japan kasunod ng sa Saitama Prefecture.
Wala naman parusa sa mga lalabag dito ngunit hinihikayat ang publiko na sundin ito.
Nakapagtala ang Japan Elevator Association ng 805 na aksidente sa mga escalators taong 2018 at 2019.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan