今週の動画

SNOWCAP NG MT. FUJI, MULING NASILAYAN

Lumabas na ang unang snowcap ng Mt. Fuji para sa panahong ito, ayon sa Kofu Local Meteorological Observatory sa Yamanashi Prefecture.

Nakita ang layer ng snow sa summit ng bundok na may taas na 3,776 metro, ang pinakamataas sa Japan, Huwebes ng 7:30 ng umaga.

Ayon sa obserbatoryo, ang nasabing snowfall ay dala ng ulap na umaaligid sa bundok na dala naman ng low-pressure system, saad sa ulat ng Kyodo News.

Bumagsak sa 2.5 C ang temperatura malapit sa peak ng bundok, Huwebes ng 4:00 ng umaga, ayon sa Japan Meteorological Agency.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!