EXPRESS BUS MULA HANEDA AIRPORT PATUNGONG GUNMA PREF. HOT SPRINGS, MAGSISIMULA NA SA NOBYEMBRE
Upang dumami ang mga turista at maging accessible ang lugar ay bibiyahe na sa susunod na buwan ang express bus na kokonekta sa Haneda Airport sa Tokyo at sa mga hot spring resorts sa Gunma Prefecture.
Sa ulat ng The Mainichi Shimbun, nagsimula nang tumanggap ng reserbasyon ang Kan-etsu Transportation Co., para sa “Ikaho Shima Hot Spring Haneda Line” express bus service noong Oktubre 1.
Ayon sa kumpanya, magsasagawa ng isang round trip ang bus araw araw, buong taon. Mayroon itong 42 seats, restroom at onboard Wi-Fi.
Ang one-way fares ay 4,500 yen sa pagitan ng Haneda at Ikaho Onsen, at 5,000 yen sa pagitan ng Haneda at Shima Onsen. Habang ang round-trip fares ay 8,000 yen at 9,000 yen para sa mga ito. Para sa kumpletong impormasyon, bisitahin ang kanilang website: https://kan-etsu.net/en/publics/index/137/.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan