今週の動画

FOOD HALL SA NARITA AIRPORT, NAG-AALOK NG JAPANESE FOOD SA MGA TURISTA

Nagbukas na noong nakaraang buwan ang Japan Food Hall, ang 10-restaurant floor area sa Narita Airport Terminal 2, na nag-aalok ng iba’t ibang Japanese food sa mga dayuhang turista na pabalik sa kanilang mga bansa.

Ito ay matatagpuan sa ikalawang palapag ng terminal kung saan Japanese-style wood ang interior, saad sa ulat ng The Asahi Shimbun.

Mayroon itong dining area na may 420 na upuan kung saan nasa 45 ang nakalagay sa outdoor terrace sa departure area, ang kauna-unahang paliparan sa bansa na may ganitong pasilidad.

Ilan sa mga kainan na makikita rito ay ang Ginza Kagari na sikat sa kanilang chicken-broth ramen; eel restaurant na Yondaime Kikukawa; Tempura Nihonbashi Tamai at Kyoto Katsugyu kung saan fried beef cutlet dishes naman ang specialty.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!