今週の動画

GOBYERNO, PINAG-IINGAT ANG MGA TURISTA SA MGA OSO SA BUNDOK

Hinihikayat ng gobyerno ng Japan ang mga turistang may planong umakyat sa bundok ngayong autumn season na mag-ingat sa mga oso.

Ayon sa environment ministry, tumataas ang mga bear-caused deaths at injuries sa kasalukuyan na umabot sa 54 noong Abril hanggang Hulyo, habang umabot naman sa 7,967 kaso ang bear-sighting, sa ulat ng Jiji Press.

Kumakain ng maraming acorn ang mga oso tuwing autumn bilang paghahanda sa kanilang winter hibernation. Ngunit sinabi ng pamahalaan na mahina ang ani ng ganitong uri ng kopra sa ngayon lalo sa Tohoku region.

Pinapaalalahan nila ang mga tao na baka dumami ang masawi sakaling lumabas ang mga oso mula sa kanilang mga tirahan sa bundok sakaling sila ay magutom.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!