今週の動画

PRESYO NG MAHIGIT 4,600 FOOD AT DRINK ITEMS, TATAAS NGAYONG OKTUBRE

Plano ng iba’t ibang Japanese food at beverage companies na taasan ang presyo ng mahigit sa 4,600 items ngayong buwan.

Sa ulat ng NHK World-Japan, nasa 4,634 items ang tataas ang presyo base sa survey na isinagawa ng Teikoku Databank sa 195 pangunahing food at beverage companies sa bansa.

Kabilang sa mga ito ang alcohol, soft drinks, ham, sausage, ice cream at tsokolate.

Sa kabuuan ay magiging 31,887 items na ang nagpatupad ng taas-presyo.

Ilan sa mga dahilan ay ang mahinang yen at ang mataas na gastos sa packaging materials at logistics.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!