今週の動画

MAHIGIT 10 MILYONG OVERNIGHT STAYS NG MGA DAYUHANG TURISTA, NAITALA NOONG AGOSTO

Nakapagtala ang Japan Tourism Agency ng 10.34 milyon na overnight stays ng mga dayuhang turista na bumisita sa bansa noong Agosto.

Sa ulat ng NHK World-Japan, ang mga bisita ay nanatili sa mga hotels, inns at iba pang kahalintulad na mga pasilidad.

Mas mataas ito ng 9 na porsyento kumpara sa parehong buwan noong pre-pandemic year 2019.

Samantala, umabot naman sa 51.93 milyon ang mga overnight stays ng mga lokal

na residente ng bansa.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!