今週の動画

1,113 YEN NA MINIMUM WAGE SA TOKYO, PINAKAMATAAS SA JAPAN

Magsisimulang magtaasan ang mga minimum wage sa buong bansa ngayong buwan ng Oktubre kung saan Tokyo ang may pinakamataas sa 1,113 yen.

Kada taon ay nagpapasya ang bawat prepektura sa bansa kung magkano ang minimum wage nila base sa panukala ng labor ministry, saad sa ulat ng NHK World-Japan.

Tataas sa 1,004 yen ang national average na hourly wage.

Pinakamababa naman ang minimum wage sa Iwate Prefecture na nasa 893 yen.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!