DISKWENTO SA BAYAD SA PASAPORTE, ALOK SA LAHAT NG RESIDENTE NG MIYAZAKI
Magbibigay ng malaking diskwento sa pagkuha ng Japanese na pasaporte ang prefectural government ng Miyazaki upang mahikayat ang mga residente na bumiyahe sa ibang bansa.
Ayon sa ulat ng The Asahi Shimbun, sasagutin ng pamahalaan dito ang malaking bahagi ng passport fee ng mga aplikante para mahikayat sila na magtungo sa mga bansa sa Asya mula sa Miyazaki Airport.
Target ng subsidy program ang mga batang residente edad 18 pababa at mga estudyante edad 26 pababa. Libre na ang bayad sa pagkuha ng 5-year passport habang 11,000 yen naman ang diskwento sa 10-year passport na nagkakahalaga ng 16,000 yen.
Sakop din ng enhanced subsidy program ang lahat ng residente kung maipapakita nila na nakakuha sila ng bagong pasaporte simula noong Enero ng kasalukuyang taon. Ngunit obligado sila na mag-book ng overseas flight mula sa Miyazaki Airport.
Makakakuha ng diskwento ang mga pasahero na kukuha ng tour packages sa pamamagitan ng mga travel agency, habang ang mga bibili naman ng direkta ay kinakailangan mag-apply sa kampanya para makapag-reimburse pagbalik mula sa biyahe.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan