今週の動画

INSECT TOURISM SA FUKUSHIMA, PUMAPATOK SA MGA TURISTA

Unti-unting pumapatok sa mga lokal na turista ng Tamura City, Fukushima Prefecture ang insect tourism sa lugar na layong pasiglahin ang pag-unlad ng rehiyon.

Kasalukuyang nasa trial basis ang proyekto kung saan maaaring mag-obserba at mangolekta ng mga insekto tulad ng rhinoceros beetles at stag beetles ang mga bisita, saad sa ulat ng Jiji Press ng inilathala sa The Japan Times.

Inaasahan na pormal itong ilulunsad sa tag-init sa susunod na taon.

Matatagpuan din sa Tamura City ang Mushi Mushi Land, isang amusement park kung saan tampok ang mga insekto. Binuksan ito nasa 30 taon na ang nakakalipas.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!