PROBLEMA SA ONLINE TRAVEL RESERVATIONS, DUMAMI
Mahigit sa kalahati ng naitalang konsultasyon ng National Consumer Affairs Center of Japan na may kinalaman sa paglalakbay ay problema tungkol sa online reservations.
Umabot sa 8,647 konsultasyon ang naitala ng ahensya kung saan 4,488 ang tungkol sa online reservations.
Ilan sa mga ito ay ang pagbabayad ng customer ng fee nang kanselahin niya ang kanyang booking dahil sa personal na kadahilanan matapos niyang hindi makita ang “100% cancelation fee.”
Nariyan din ang hindi maayos na serbisyo ng isang online travel agency nang subukan ng customer na mag-refund.
Pinapayuhan ng tanggapan ang mga manlalakbay na suriin mabuti ang cancelation policy at contact information, pati na rin ang pagse-save ng reservation status, sa ulat ng The Mainichi Shimbun.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan