今週の動画

PAGBIBIGAY NG AYUDA SA MGA LOW-INCOME HOUSEHOLDS, PINAG-IISIPAN NG GOBYERNO

Kinukunsidera ng gobyerno ni Prime Minister Fumio Kishida ang pagbibigay ng tulong pinansiyal o kupon na may tukoy na paggamit sa mga low-income households sa Japan.

Ito ay bilang bahagi ng bagong economic measures na binubuo ng pamahalaan sa katapusan ng Oktubre laban sa epekto ng inflation, saad sa ulat ng Kyodo News.

Bukod dito ay balak din ng pamahalaan na magbigay ng dagdag na tulong para sa mga low-income households na may mga bata.

Matatandaang nagbigay ang gobyerno ng 50,000 yen na cash relief sa bawat isa sa 16 milyong low-income households noong Setyembre ng nakaraang taon, at 30,000 yen naman noong Marso ng kasalukuyang taon, habang 50,000 yen naman kada bata para sa mga low-income earners na may mga anak.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!