RELIEF MEASURES PARA SA MGA PART-TIMERS, BINALANGKAS
Naglabas ang gobyerno ng Japan ng balangkas ng plano nitong relief measures para hindi mabawasan ang kita ng mga part-time workers.
Tampok dito ang aabot sa 500,000 yen na company subsidy kada empleyado para maiwasan na mabawasan ang take-home pay ng mga part-timers na nangyayari kapag ang kita kada taon ay umaabot sa 1.06 milyong yen o higit pa dahil sa mga social insurance premium payments, saad sa ulat ng Jiji Press.
Plano rin ng gobyerno na payagan ang mga part-timers at iba pa na manatili bilang mga dependent ng kanilang mga asawa ng hanggang dalawang magkasunod na taon kahit na pansamantalang lumampas ang kanilang taunang kita sa 1.3-million-yen threshold.
Isasapinal ito at ipapatupad unti-unti simula sa Oktubre.
この記事を書いた人
最新の投稿
- News(Tagalog)2024/12/18Lalaking pedestrian at lalaking nakamotorsiklo patay, Tsukuba City, Ibaraki
- News(Tagalog)2024/12/06Pulis lumaktaw sa trabaho para sa pagbisita sa Tokyo Disneyland upang mapabilis ang pagbibitiw
- News(Tagalog)2024/12/02Simula ngayon, ang bagong pag-iisyu ng mga health insurance card ay ititigil at papalitan ng “My Number Health Insurance Cards”
- News(Tagalog)2024/12/02Ni-raid ng mga pulis ang 4 na lugar na nauugnay sa grupong Vietnamese na pinaghihinalaang nag-shoplift sa Japan