今週の動画

EPIDEMIC ALERT PARA SA INFLUENZA, INILABAS SA TOKYO

Naglabas ang Tokyo Metropolitan Government ng influenza health alert kamakailan dahil sa dumaraming kaso nito sa lungsod.

Hinihikayat ang mga residente na magsuot ng masks kung pupunta sa mga mataong lugar o habang nakikipag-usap, palagiang maghugas ng kamay at pagkakaroon ng maayos na bentilasyon sa mga silid.

Ayon sa ulat ng The Asahi Shimbun, may posibilidad na mas kumalat pa ito sa pagdaang ng araw.

Bihira ang paglalabas ng influenza alerts sa buwan ng Setyembre dahil kadalasan ay tuwing Disyembre hanggang Marso kumakalat ang virus.

Nasa 4,742 influenza patients ang naiulat sa 417 medical institutions sa lungsod. Pinakamarami sa Nakano Ward, sunod ang Bunkyo Ward, at ang Lungsod ng Hachioji.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!