今週の動画

KITASENJU, NANGUNA SA LISTAHAN NG MGA NAIS TIRHAN NG MGA KABABAIHAN SA KANTO AREA

Pinakakanais-nais para sa mga kababaihan na manirahan sa Kitasenju neighborhood sa Adachi Ward sa Tokyo, ayon sa datos ng isang real estate search site.

Ilan sa mga nakikitang dahilan ay ang mababang bayad sa renta at mga lumang shopping streets at izakaya sa lugar, ayon sa ulat ng The Mainichi Shimbun.

Base sa ranking ng Chintai Corp., pumangalawa naman ang Koenji district sa Suginami Ward sa pangalawang pwesto. Sinundan ito ng Urayasu sa Chiba Prefecture, Utsunomiya sa Tochigi Prefecture, Ikebukuro district sa Toshima Ward, Nishi-Kawaguchi sa Saitama Prefecture, Omiya district sa lungsod ng Saitama, Tachikawa sa Tokyo, Kawasaki sa Kanagawa Prefecture, at Kamata district sa Ota Ward sa Tokyo.

この記事を書いた人

東京支店
東京支店

Follow me!